Bakit Nga Ba Ang Hirap Mag-Focus?

Sa kasalukuyang panahon, maraming mga bagong kaalaman na natutuklasan at natutunan na resulta ng progreso at development sa larangan ng science at technology at iba pang fields of knowledge. 

Dahil dito, dumarami rin ang kailangang matutunan at ituro ng mga teachers sa kanilang mga estudyante. At lalo na ngayon kung kailan napakaraming distractions tulad ng social media websites, video games, online videos at blogs. Kaya naman napaka-importante na maturuan ang mga estudyante kung paano makapag-focus sa kanilang aralin.

The Root Cause

Maraming dahilan kung bakit nahihirapan na makapag-focus ang mga batang estudyante sa pakikinig sa klase—online man o face to face. Ilan sa mga ito ay: 

  1. Kakulangan ng excitement sa araw-araw na klase. Sa isang normal na set-up ng isang paaralan, kailangan lamang pumasok at umuwi ng isang batang estudyante. Sa ganitong sistema, posibleng naiisip nila na ang pag-aaral ay linear lamang at hindi na kailangan maglagay ng effort o mag-isip ng bagong idea dahil naka-dikta na ang activity sa loob ng buong araw.

  2. Mental at online distractions. Kung ang aralin o ang libro na binabasa ay plain o boring, maaaring mag-daydreaming na lamang ang mag-aaral, manood ng mga online videos, mag-scroll sa social media, at tuluyang hindi mabigyan ng pansin ang mga lessons.

  3. Technological solutions na hindi accessible. May mga paaralan pa rin na ang gamit na educational software, tools, o platforms ay mahirap intindihin at walang malinaw na instruction kung paano gamitin.

  4. Kakulangan ng panibagong tanawin. Ang kawalan ng bagong scenery ay nagiging dahilan ng frustration at pagkabagot.

Re-focus

Narito ang ilan sa mga effective na paraan kung paano matutulungan ang estudyante na makapag-focus sa kanyang lessons:

  1. Pagbibigay ng halaga sa attention span ng mga bata. Ang mga bata na may edad na 4 to 5 taon ay kaya lamang makapag-concentrate sa kanilang lesson ng hanggang 5 to 20 minutes.

Mas mababa ito kung ang task ay nakakatamad o nakakainip gawin at tumatagal naman kung ang task ay enjoyable at interactive.

  1. Pagsali sa mga bata sa talakayan. Importante na ma-involve ang isang bata sa discussion ng topic na pinag-aaralan. Mas mabuti kung makakapag-participate sila sa discussion upang hindi mawala ang kanilang focus sa aralin na itinuturo ng teacher.

  2. Pag-iwas sa multitasking. Mahalaga din na hindi mag multi-task ang bata at mag-concentrate lamang siya sa isang assignment. Kailangan nila ng scheduled break para makapag-recharge.

  3. Maayos na paghahati ng mga tasks. Mas makakatulong din kung i-breakdown ang malalaking tasks sa maliliit na tasks. Matutulungan nito ang bata na matapos ang mga challenging task ng mas madali.

Para sa mga educators, teachers, at mga magulang, mas maganda na piliin at gamitin ang platform at learning application na engaging at effective para sa edukasyon ng mga estudyante. Mas nagagabayan ang mga bata kung mayroong on-call tutors at personalized performance metrics. Ang methods of learning ay dapat dynamic at enjoyable.

Upang maging productive ang learning experience ng mga estudyante, kailangan nila ng high-quality education na itinuturo gamit ang learning methods na flexible, memorable, at creative. Ito ang pinaka-effective na paraan upang mas magustuhan nilang mag-aral at maabot ang kanilang best potential!

References:

9 Ways to Stay Focused in Class. Oxford Royale. Retrieved October 10, 2022, from https://www.oxford-royale.com/articles/9-ways-stay-focused-class/

Why is it Critical for Students to Focus in Class? August 3, 2021. Rajagopalan, A. Retrieved October 10, 2022, from https://medium.com/age-of-awareness/why-is-it-critical-for-students-to-focus-in-class-306eadb711b

Why You Can’t Focus on Online School. January 18, 2021. ICON. Retrieved October 7, 2022, from https://www.iconschool.org/blog/why-cant-i-focus-on-my-school-work-when-it-is-online

Tips for Helping Your Child Focus and Concentrate, January 28, 2016. PBS Kids For Parents. Retrieved October 7, 2022, from https://www.pbs.org/parents/thrive/tips-for-helping-your-child-focus-and-concentrate