Sa Edukasyon, Dapat Kasama All!

Ang edukasyon ang pinaka-mabisang solusyon sa kahirapan, ngunit kahirapan din ang pumipigil upang makamit ang tamang edukasyon.

Simula pa lang nung tayo ay mga bata pa, itinuturo na sa atin ng ating mga magulang kung gaano ka-importante ang edukasyon upang magkaroon ng maginhawang buhay.

FINDING OPPORTUNITY

Subalit hindi lahat ng mga magulang ay kayang maglaan ng oras, lakas at pera sa edukasyon ng kanilang mga anak. Nakakalungkot man kung iisipin, ang edukasyon sa Pilipinas ay naging pribilehiyo na lamang ng mga pamilya na may sapat na kakayahan.

Dati pa man ay problema na ng ating bansa ang kakulangan ng budget, oportunidad at suporta para sa mga public schools. Nang pumasok ang pandemya sa Pilipinas ay nadagdagan ang mga challenges dahil sa limitadong communication sa pagitan ng mga estudyante at mga guro. Nakakadagdag na din sa mga pagsubok na kinakaharap ang hindi suitable na mga aralin para sa online class at ang mahirap na access sa mga lesson na itinuturo ng mga teachers.

Lahat ng bata ay may kanya-kanyang pangarap para sa sarili at para sa kanilang mga pamilya.  Mas makakamit nila ito kung sila ay makakapag-aral, mag-kakaroon ng pag-kakataon na makipag-socialize, at nakatungtong sa mas mataas na antas ng edukasyon tulad ng kolehiyo.

PROVIDING QUALITY EDUCATION

Ang makabagong teknolohiya ay tumutulong upang mabigyan ng tamang edukasyon ang mga estudyante kahit sa gitna man ng pandemya o kahirapan.

Kasama sa vision and mission ng YUDU ang pagbibigay ng affordable at quality education sa bawat batang Pilipino anuman ang estado nila sa buhay. Kasabay nito, pinapahalagahan at binibigyan ng YUDU ng priority at focus ang mga magulang na naghahanap ng epektibo na learning experience para sa kanilang mga anak.

Ang mga teaching methods ng YUDU ay flexible at engaging. Sa paggamit ng ganitong application ay mas naa-identify, nakakapag-focus at nai-improve ng mga bata ang kanilang kakayahan, talento, at kung saang field of knowledge sila mas magaling. 

Sa ganitong paraan ng education, mas naipo-promote ang critical thinking at creativity ng mga bata. Sa modernong panahon, napaka-importante ng mga skills na ito upang maging matagumpay sa anumang career na nais nilang tahakin sa hinaharap.

References:

Edukasyon sa Panahon ng Pandemya: Mga Hamon at Hinaharap. September 11, 2021. Manila Today. Retrieved October 7, 2022 from (https://manilatoday.net/edukasyon-sa-panahon-ng-pandemya-mga-hamon-at-hinaharap/)

Edukasyon: Karapatan o Pribilehiyo. February 5, 2021. Isyu sa Kasalukuyan. Retrieved October 7, 2022 from (https://isyusakasalukuyan.blogspot.com/2021/02/edukasyon-karapatan-o-pribilehiyo.html)